Sunday, April 2, 2017

MBT - Metropolitan Bank and Trust Company as of April 2, 2017

Monthly Chart. Mula nung 2009 hanggang 2013 uptrend sya. Eversince 2013 akyat, baba na lang sya. Sa ngayon, nasa loob ng ulap pero sa tingin ko pag hindi nya nabasag ang 100, balik ulit sa baba.

Weekly Chart. Ilang beses na syang hindi makaakyat para basagin ang ilalim ng ulap. Pero pataas ang RSI at maaaring mabasag nya ang ulap itong susunod na mga trading week. Medium term, pwedeng sumubok ulit ito above 90sh.

Daily Chart. Nakalabas ng ulap kaya lang parang hindi maganda iyong huling candle nya. Kung berde na naman na kandila ang kasunod eh bullish sya sa short term. Tsaka nag-cross ang MACD nya, so reverse sya mula sa baba eh paakyat ulit. Pero kung red candle, balik ulit sa loob ng ulap. Kapag nabasag ang 79.50, 78 - 76 ulit mga support.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and please share your comments.