Saturday, April 29, 2017

CAL - Calata Corporation as of April 27, 2017


Update on CAL. Tama iyong chart ko last week, bumaba pa ng konti and then tumaas. But nung last trading  day, Thursday, May nagsell down na naman sa mga 3 kulugo na broker. Bumili uli ako nito last week, dito napunta karamihan dun sa napagbentahan ko sa MRC. Pasasaan ba at aangat din ito. Isang "praise" release lang katapat nito. "Pag may tiyaga, may nilaga" ika nga. May kasama pang lechon at tiyaga dito. hehehe... 

Kaya umayos ka CAL, nasa iyo pera ng nanay ko!!!


Watch out for the cloud. Masyado na malayo ang Senkou Span A at Senkou Span B sa isa't-isa. Need to be close to each other daw ito kaya posible na magkaroon na ito ng aksyon nitong mga darating na araw.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

PLC - Premium Leisure Corp. as of April 27, 2017


Try ko lang bumili ng konti nito. Bullish naman sya above the cloud at uptrend sya sa short term. At saka maganda takbo ng mga gaming stocks ngayon gaya ng MCP at BLOOM kaya malalaman this coming week kung tama desisyon ko. Anyway, ung mga last chart ko sa BLOOM at MCP eh naka-tsamba although hindi ako nakabili...


Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

DMC - DMCI Holdings, Inc. as of April 27, 2017


Bumili na ako nito after ko mabenta MRC ko at 70% profit (pwede na rin... hehehe...). Since my last post about DMC (please check this link, http://romerstreasures.blogspot.com/2017/04/dmc-dmci-holdings-inc.html), medyo malaki na rin itinaas nya. Wala lang kasi akong pambili at that time, maganda na sana profit ko ngayon.
Last week naglabas na ng desisyon ang Supreme Court about the construction of Torre de Manila which is favorable sa DMC kaya bumili na ako. At saka nakita ko na lumabas na ang presyo sa ulap at ang future kumo nya is bullish so let's see.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.