Friday, April 14, 2017

PGOLD - Puregold Price Club, Inc. as of April 12, 2017


Isa pa ito sa mga nasa watchlist ko. Sa short term, support is at 41.65. Dapat hindi mabasag ito. Dahil pag nabasag, posibleng bumalik sa 30sh level (36 kaya?). Umaakyat ang index pero ito, pababa naman. Sa tingin ko lang naman eh makakabawi na rin ito.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

MAXS - Maxs Group, Inc. as of April 12, 2017


Maliban sa POPI, isa rin ito sa nakita ko na oversold sa daily chart. Actually kung hindi ako nakabili ng POPI malamang MAXS ang binili ko for bounce play siguro. 25.50 at  25.90 ang mga resistance na kailangan nya mabasag. Sa palagay ko kung hindi lang short trading week this week eh nabasag na nya mga nabanggit na resistance. Malalaman this next trading week kung tuloy tuloy na pagreverse ni MAXS.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

POPI - Prime Orion Philippines, Inc. as of April 12, 2017

Test buy ako nito. Masyado na oversold at mula nung nagsell down sya nung April 7 eh paliit na ng paliit ang volume nito. Looking for a bounce starting next week. RSI as of April 12 is at 20.8757 na. Konting shares lang naman.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.