Friday, April 21, 2017

CAL - Calata Corporation as of April 21, 2017


Update ko lang CAL... Tuloy pa rin downtrend nya this week. Pagkatapos magpahinga ng pagbaba nung Holy Week eh matindi ibinaba nya na naman ngayong trading week. Antsaket tsaket! Wala pa kasi update sa project nila sa Cebu. Pati 1st quarter financial report nila, wala pa rin kaya siguro pilit pa rin pinapababa nung 3 kolokoy na brokers (IGC, STRATEQ, COYIUTO). Sinasadya na ata pababain. Bakit kaya?

Pero tuloy pa rin ako pagbodega nito sa sunod na sweldo. Ika nga, what goes up, must come down. Pwede rin what goes down must come up! Alright! Paging Papa Josh Calata! Dami na namin ipit sa stock mo. hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and please share your comments.