Daily Chart. Downtrend sya mula nung kalagitnaan ng February na makikita sa chart. Kailangan muna ma-break ang short term resistance na 73.40 para masira ang downtrend nya. Although sa ngayon ay nasa teritoryo sya ng oso.
Eto experiment ko lang kasi parang may nabasa akong ganito. Tingnan ko kung effective. hehehe...
Sa price chart, nagregister sya ng mababang 72.05 noong March 15, 2017. Nung araw na iyon, ang RSI nya eh bumaba ng 24.4175. Nitong April 20, 2017 ay nagregister ng lower price na 70.45 at ang RSI naman nya ay 34.1759. Ibig kaya sabihin nito ay reversal na sya?
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and please share your comments.