Wow! Gaming stocks are on a roll!!! Simula ng taong 2017, humataw sila ng todo. Ang Bloom, from 6ish level eh umabot ng 10 this month. Samantalang ang MCP, from around 4 pesos eh nasa 8+ na sya. DYM ang usapan. Kaya naman, bumili ako ng konting shares ng PLC.
Makikita sa chart ang trend nya upward although ngayon nasa consolidation stage sya. Posible magregister ulit sya ng Higher high in the next few days. Ok rin ang RSI nya, so patience lang at darating din time nito.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.