Friday, June 2, 2017

CAL - Calata Corporation as of June 2, 2017


Na-break din nya ang downtrend pattern... salamat naman. Eto po previous post ko about sa downtrend ni CAL , http://romerstreasures.blogspot.com/2017/04/cal-calata-corporation-as-of-april-26.html.

Sa ngayon umangat na sya although hindi sya nakalagpas pa sa taas ng ulap. After makabawi sa mahabang pagbaba nya, ngayon nasa ilalim na ng ulap. Posibleng bumaba uli o posibleng tumuloy naman mabutas ang ulap next week. Undervalued po ang stock na eto. Kung hindi lang siguro dahil sa nangyaring issue nung IPO days nito eh wala sana ito sa baba. 

Medyo hindi ko na nakikita iyong tatlong broker na nagpababa ng husto sa presyo nito (Coyiuto, Strateq at IGC). Si Strateq pala nagbenta kanina ng konti...

Ok naman na RSI nya so tingin ko tuloy na ulit nito pagbangon next week! Jaka wag ka muna magpakita at pakisabihan mo rin iyong tatlong itlog. Hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.


Saturday, May 27, 2017

BEL - Belle Corporation as of May 26, 2017


WOW!!! Before the start of 2017 hanggang sa kasalukuyan, trending upward sya. Gusto ko nito for long term, Galing ng price nya at RSI.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

PIP - Pepsi-Cola Products Philippines, Inc. as of May 26, 2017


Gaya ng inaasahan, bumaba ang presyo after ng pagbigay ng cash dividends.I am expecting this to go up na ulit after that. Kaya isa ito sa mga tinitingnan ko na bibilhin this trading week. Pwede na rito up to 10% sa tingin ko. Pero sa mas mahabang time frame may mas maganda akong nakikita sa chart nya. Sana tama ako....

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

SHLPH - Pilipinas Shell Petroleum Corporation as of May 26, 2017


Isa pa itong nag-oversold ng todo. RSI nya nasa 16 na lang. Naalala ko tuloy iyong MAXS na umabot ng 11 RSI tapos bigla bawi paangat. Kung may ekstra akong pambili, baka bibili ako nito this coming trading week sa 60sh level. 

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

NOW - Now Corporation as of May 26, 2017


So this coming last trading week of May until June, I'm looking at making a play here probably for a 10% - 15% profit. Pwede na rin kesa wala. MACD is showing a good sign ganun din ang RSI.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Saturday, May 20, 2017

PLC - Premium Leisure Corp. as of May 19, 2017


Wow! Gaming stocks are on a roll!!! Simula ng taong 2017, humataw sila ng todo. Ang Bloom, from 6ish level eh umabot ng 10 this month. Samantalang ang MCP, from around 4 pesos eh nasa 8+ na sya. DYM ang usapan. Kaya naman, bumili ako ng konting shares ng PLC.

Makikita sa chart ang trend nya upward although ngayon nasa consolidation stage sya. Posible magregister ulit sya ng Higher high in the next few days. Ok rin ang RSI nya, so patience lang at darating din time nito.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

RLT - Philippine Realty and Holdings Corp. as of May 19, 2017


Try ko lang konting shares nito. kung tama na cup and handle ang formation eh babalik sa 0.80sh ang presyo nito. Anyway, above the cloud pa naman sya and nagbounce sya from 0.72 support. Bullish ang future nya so let's see. Break even pa lang ako ngayon sa kanya. Maganda rin ang volume nya this May. From being overbought nung May 9 eh nagcool down na RSI nya so, upward na kaya ulit this week?! 

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.