Showing posts with label Inc.. Show all posts
Showing posts with label Inc.. Show all posts

Saturday, May 27, 2017

PIP - Pepsi-Cola Products Philippines, Inc. as of May 26, 2017


Gaya ng inaasahan, bumaba ang presyo after ng pagbigay ng cash dividends.I am expecting this to go up na ulit after that. Kaya isa ito sa mga tinitingnan ko na bibilhin this trading week. Pwede na rito up to 10% sa tingin ko. Pero sa mas mahabang time frame may mas maganda akong nakikita sa chart nya. Sana tama ako....

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Monday, April 3, 2017

RWM - Travellers Intl. Hotel Group, Inc. as of April 3, 2017

Monthly Chart. Mula nung listing date nya, ang laki na ng ibinaba hanggang sa kasalukuyan. Iyong mga bumili noon, kamusta naman? Kaway kaway naman!

Weekly Chart. Straight line lang na mahaba. Hehehe... Bigay ka lang ng matinding income, tingin ko angat bigla ito.

Daily Chart. Wala masyado aksyon. Nasa teritoryo ng oso. Pero once na kumita na ito, aarangkada rin ito. Maganda pinapakita ng ibang kumpanya na kaparehas ng linya eh.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.