Friday, April 14, 2017

PGOLD - Puregold Price Club, Inc. as of April 12, 2017


Isa pa ito sa mga nasa watchlist ko. Sa short term, support is at 41.65. Dapat hindi mabasag ito. Dahil pag nabasag, posibleng bumalik sa 30sh level (36 kaya?). Umaakyat ang index pero ito, pababa naman. Sa tingin ko lang naman eh makakabawi na rin ito.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

MAXS - Maxs Group, Inc. as of April 12, 2017


Maliban sa POPI, isa rin ito sa nakita ko na oversold sa daily chart. Actually kung hindi ako nakabili ng POPI malamang MAXS ang binili ko for bounce play siguro. 25.50 at  25.90 ang mga resistance na kailangan nya mabasag. Sa palagay ko kung hindi lang short trading week this week eh nabasag na nya mga nabanggit na resistance. Malalaman this next trading week kung tuloy tuloy na pagreverse ni MAXS.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

POPI - Prime Orion Philippines, Inc. as of April 12, 2017

Test buy ako nito. Masyado na oversold at mula nung nagsell down sya nung April 7 eh paliit na ng paliit ang volume nito. Looking for a bounce starting next week. RSI as of April 12 is at 20.8757 na. Konting shares lang naman.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Saturday, April 8, 2017

JFC - Jollibee Foods Corporation as of April 7, 2017


Update sa JFC. Lakas ni bubuyog! nagclose last week sa week high nya @ 210.40. Kung may pera lang ako nung nag-oversold sya, nakabili sana ako nito.

TK crossover, nakalabas ng ulap, RSI pointing up. bullish na bullish. Tapos may press release pa sila last week. Although there might be profit taking this coming trading week dahil ilang araw na rin pag-akyat nya at medyo mataas na rin RSI. Dagdagan mo pa ng international news tungkol sa Syria tsaka short trading week lang tayo dahil sa Mahal na Araw.

Watch out for support, 202.30!

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

PXP - PXP Energy as of April 7, 2017


Update lang sa Daily Chart ng PXP. Nauntog sa Senkou Span B nung Wednesday at tumagos pa ng Senkou Span A. The next day, Thursday, lalo pa bumaba. lower high, lower low sya. Isa na lang support nya sa Base Line, 3.22. Ang RSI pointing downward din. Sa MACD, showing sign of cross over. Next week, short trading week kaya malamang  bababa pa ito. May mga magta-take profits dahil sa long weekend.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Friday, April 7, 2017

MRC - MRC Allied Inc. as of April 7, 2017


Masyado na mataas RSI, overbought na kaya tama lang na nagpahinga bago panibagong arangkada. Ang taas na na arangkada nya this week. Since Friday which is usually profit taking day, kaya bumaba ng 0.0050 which is hindi naman kalakihan. Pero not before it reached its 52 week high na 0.2950!

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

DMC - DMCI Holdings Inc. as of April 7, 2017


Maganda ang chart. Nakabawi na from being oversold. Gusto ko sana bumili nito kaya lang may problema pa ito sa issue ng Torre de Manila kaya napaatras ako. Pero I believe na makakabalik din ito above 13 pesos lalo na bumabalik na foreign funds ulit.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.