Monday, April 3, 2017

MCP - Melco Crown (Philippines) Resorts Corp. as of April 3, 2017


Monthly Chart. Below the clouds. Pero may binubuong cup. Bullish sa Bear territory. ( Meron ba nun? hehehe... )
Weekly Chart. Bullish sya after lumabas ng ulap. Overbought na, possible for correction dahil mataas na ang RSI.

Daily Chart. Upward ang trend nya so bullish na bullish. But overbought na rin masyado sa daily chart kaya due for correction na rin ito.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

BLOOM - Bloomberry Resorts Corporation as of April 3, 2017

Monthly Chart. Inside the rectangle lang ng matagal na panahon. Hindi pa sya full bloom kaya ganyan. hehehe...


Weekly Chart. Bullish ang nakikita ko pero since January of this year nasa loob lang ng iginuhit kong kahon ang presyo nya. Once na ma-break nya pataas ang box eh tuloy uptrend nya.


Daily Chart. Makikita na naglalaro lang sa loob ng box ang presyo nya since January. Kung hindi nya mabasag ang 52 week high nya na 8.15 eh possible na bumaba ulit sya sa baba ng box. Pero kapag na-break naman nya eh tuloy na ulit ang uptrend ni BLOOM!

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Sunday, April 2, 2017

CPG - Century Properties Group, Inc. as of April 2, 2017

Monthly Chart. Wala lang. Ang laki ng ulap sa itaas.... zzzzzz.....

Weekly Chart. Gaya ng monthly chart, below the clouds din. Pag-asa ko na lang dito isang matinding "praise" release! hehehe...


Daily Chart. Hay naku! Kung nakita ko lang agad ulap nito eh hindi muna ako bumili. Bigyan mo ako ng matinding "praise" release nitong April ng makabawi ka naman sa akin. Buti na lang 0.52 lang average ko sa iyo!

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

SMPH - SM Prime Holdings, Inc. as of April 2, 2017

Monthly Chart. Bullish for so many years! Uptrend pa rin sya. Sa ngayon nagpapahinga sya dahil sobrang taas ng RSI nya. 

Weekly Chart. Nasa bullish territory pa rin. 2 times ng nauntog sa 31. Pwedeng pumasok sa loob ng ulap. Baka bumalik sa previous low nya.

Daily Chart. Nasa ilalim ng ulap. Mukhang pababa pa sya. Kita ko iyong lower highs, lower lows nya. Tandang tanda ko pa, may shares ako ng SMPH noon, nasa around 15 AEP ko.... Binenta ko agad nung kumita na ng konti. Excited lang masyado. hehehe... Nag-aabang lang ito makabawi pataas.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

MBT - Metropolitan Bank and Trust Company as of April 2, 2017

Monthly Chart. Mula nung 2009 hanggang 2013 uptrend sya. Eversince 2013 akyat, baba na lang sya. Sa ngayon, nasa loob ng ulap pero sa tingin ko pag hindi nya nabasag ang 100, balik ulit sa baba.

Weekly Chart. Ilang beses na syang hindi makaakyat para basagin ang ilalim ng ulap. Pero pataas ang RSI at maaaring mabasag nya ang ulap itong susunod na mga trading week. Medium term, pwedeng sumubok ulit ito above 90sh.

Daily Chart. Nakalabas ng ulap kaya lang parang hindi maganda iyong huling candle nya. Kung berde na naman na kandila ang kasunod eh bullish sya sa short term. Tsaka nag-cross ang MACD nya, so reverse sya mula sa baba eh paakyat ulit. Pero kung red candle, balik ulit sa loob ng ulap. Kapag nabasag ang 79.50, 78 - 76 ulit mga support.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Saturday, April 1, 2017

PXP - PXP Energy Corporation as of April 2, 2017

Monthly Chart. Wala masyado fireworks maliban nung 2012 - 2013 na kung saan umabot hanggang 40+ pesos sya.

Weekly Chart. Nasa ilalim ng ulap pero pataas ang turo ng RSI nya. Tapos may press release sila last week kaya posible kaya na umakyat ito? http://edge.pse.com.ph/openDiscViewer.do?edge_no=315ab8b982e5cb7b3318251c9257320d#sthash.cwS14Kc8.dpbs


Daily Chart. Mula nung nagbounce sya nung March 24, 2017, 3 linya na binasag nya kaya lang bumalik sya sa ilalim ulit ng Senkou Span A kaya ayun, nasa teritoryo ulit sya ng mga oso. Kinapos. hehehe... Makabawi kaya sya ulit this week?

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

TUGS - Harbor Star Shipping Services, Inc. as of April 2, 2017

Monthly Chart. Naging bullish mula nung 2016. Pero pag tingin sa RSI, overbought na. Iyong present candle nya, tingin ko sign of reversal. (tingin ko lang naman po. hehehe...)

Weekly Chart. Nag-reverse na sya from its high. Check the RSI (pointing downward), MACD (nag-cross na), Ichimoku (nabasag na nya ang asul na linya, sa pula eh malapit na rin). Ngunit, subalit, datapwat, ganun pa man eh nasa bullish territory pa rin sya dahil nasa taas pa sya ng ulap.

Daily Chart. Ayan na! Nasa loob ng ulap, hindi na alam kung diretso na pababa o aakyat ulit sya. Basag na nya iyong 3 linya, Senkou Span B na lang hindi pa. Pag yan nabasag din nya, pasok na sya sa teritoryo ng oso. Pero kung titingnan ang presyo mula nung Feb. 2017 hanggang sa kasalukuyan, downtrend na sya sa tingin ko dahil nagregister na sya ng lower high at lower low.... Tingin ko lang naman po uli. hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.