Friday, April 21, 2017

CAL - Calata Corporation as of April 21, 2017


Update ko lang CAL... Tuloy pa rin downtrend nya this week. Pagkatapos magpahinga ng pagbaba nung Holy Week eh matindi ibinaba nya na naman ngayong trading week. Antsaket tsaket! Wala pa kasi update sa project nila sa Cebu. Pati 1st quarter financial report nila, wala pa rin kaya siguro pilit pa rin pinapababa nung 3 kolokoy na brokers (IGC, STRATEQ, COYIUTO). Sinasadya na ata pababain. Bakit kaya?

Pero tuloy pa rin ako pagbodega nito sa sunod na sweldo. Ika nga, what goes up, must come down. Pwede rin what goes down must come up! Alright! Paging Papa Josh Calata! Dami na namin ipit sa stock mo. hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

MRC - MRC Allied Inc. as of April 21, 2017


Update lang sa MRC. Since my last post about MRC nung April 7, ang laki na ulit itinaas nya (ito ung last April 7 chart ni MRC , at ito naman nung April 1 ang MRC chart). Grabe na RSI nya, usually pag ganyan kataas RSI, profit taking na. But this time makikita na malakas ang momentum upward kaya ride the trend na lang muna ako. Matagal tagal din consolidation nito kaya siguro halimaw ang galaw. Sana tama iyong hinala ko na PISO aabutin nito. 

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Thursday, April 20, 2017

BLOOM - Bloomberry Resorts Corporation as of April 20, 2017


Update lang ng konti. Parang pamilyar ung pattern. hehehe... may support sa kijunsen line kagaya ng sa MCP. Pero hindi gaya ng MCP na uptrend, si BLOOM sideways lang. ma-break na nya kaya ang sideways na trend nya at tumuloy naman sa uptrend?...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

MCP - Melco Crown (Philippines) Resorts Corp. as of April 20, 2017


Update lang sa MCP... From being overbought, nagcorrect sya and then nagbounce sa short term support (kijunsen line), 6.17. Ngayong araw makikita ung one white soldier na candle which is a sign of bullish reversal. Makikita rin sa RSI na pointing up na ulit. Could this be the signs na continue na ulit uptrend nya?... Wala na ako pambili. hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Wednesday, April 19, 2017

MBT - Metropolitan Bank and Trust Company as of April 19, 2017


As usual, nagcorrect na si MBT from being overbought. Looking at the chart above, it seems hindi nya mababasag ang 81.1 na support. 2 days na syang low lang ang 81.50. Kapag green ang candle bukas, reverse naman sya pa-norte! RSI pointing up.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

WPI - Waterfront Philippines, Inc. as of April 19, 2017


Isa rin ito, from out of nowhere biglang bumulusok pataas at umangat ng 16.46%. Sa araw na halos pula karamihan ng stocks eh biglang may mga umangat ng todo gaya nito. Pero makikita na sa isang angat lang nya, bigla overbought na kaagad. Malalaman bukas kung may continuation pa ang play nito dahil gaya nga ng sabi ko, overbought. Mag-ingat lang at maging mabilis kung papasok sa mga ganitong stocks. Watch out for the next candle tomorrow.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

LMG - LMG Chemicals Corporation as of April 19, 2017


Ano ba ang totoong meron sa iyo at humataw ka ng 21.59% ngayong araw na ito? Wala ako nito pero sa palagay ko may play pa ito bukas. May tsismis akong nasagap sa mga kaibigan kong hokage na baka may backdoor play ito kaya ganito. Para lang sa mga mabilis gumalaw at mga beterano ang galawan dito kaya kung hindi masyado bihasa sa galawang hokage eh wag na lang pumasok. Sa tingin ko gap up ang opening nito bukas. Let's see...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.