Update lang sa MCP... From being overbought, nagcorrect sya and then nagbounce sa short term support (kijunsen line), 6.17. Ngayong araw makikita ung one white soldier na candle which is a sign of bullish reversal. Makikita rin sa RSI na pointing up na ulit. Could this be the signs na continue na ulit uptrend nya?... Wala na ako pambili. hehehe...
Thursday, April 20, 2017
MCP - Melco Crown (Philippines) Resorts Corp. as of April 20, 2017
Wednesday, April 19, 2017
MBT - Metropolitan Bank and Trust Company as of April 19, 2017
As usual, nagcorrect na si MBT from being overbought. Looking at the chart above, it seems hindi nya mababasag ang 81.1 na support. 2 days na syang low lang ang 81.50. Kapag green ang candle bukas, reverse naman sya pa-norte! RSI pointing up.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
WPI - Waterfront Philippines, Inc. as of April 19, 2017
Isa rin ito, from out of nowhere biglang bumulusok pataas at umangat ng 16.46%. Sa araw na halos pula karamihan ng stocks eh biglang may mga umangat ng todo gaya nito. Pero makikita na sa isang angat lang nya, bigla overbought na kaagad. Malalaman bukas kung may continuation pa ang play nito dahil gaya nga ng sabi ko, overbought. Mag-ingat lang at maging mabilis kung papasok sa mga ganitong stocks. Watch out for the next candle tomorrow.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
LMG - LMG Chemicals Corporation as of April 19, 2017
Ano ba ang totoong meron sa iyo at humataw ka ng 21.59% ngayong araw na ito? Wala ako nito pero sa palagay ko may play pa ito bukas. May tsismis akong nasagap sa mga kaibigan kong hokage na baka may backdoor play ito kaya ganito. Para lang sa mga mabilis gumalaw at mga beterano ang galawan dito kaya kung hindi masyado bihasa sa galawang hokage eh wag na lang pumasok. Sa tingin ko gap up ang opening nito bukas. Let's see...
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
Friday, April 14, 2017
PGOLD - Puregold Price Club, Inc. as of April 12, 2017
Isa pa ito sa mga nasa watchlist ko. Sa short term, support is at 41.65. Dapat hindi mabasag ito. Dahil pag nabasag, posibleng bumalik sa 30sh level (36 kaya?). Umaakyat ang index pero ito, pababa naman. Sa tingin ko lang naman eh makakabawi na rin ito.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
MAXS - Maxs Group, Inc. as of April 12, 2017
Maliban sa POPI, isa rin ito sa nakita ko na oversold sa daily chart. Actually kung hindi ako nakabili ng POPI malamang MAXS ang binili ko for bounce play siguro. 25.50 at 25.90 ang mga resistance na kailangan nya mabasag. Sa palagay ko kung hindi lang short trading week this week eh nabasag na nya mga nabanggit na resistance. Malalaman this next trading week kung tuloy tuloy na pagreverse ni MAXS.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
POPI - Prime Orion Philippines, Inc. as of April 12, 2017
Test buy ako nito. Masyado na oversold at mula nung nagsell down sya nung April 7 eh paliit na ng paliit ang volume nito. Looking for a bounce starting next week. RSI as of April 12 is at 20.8757 na. Konting shares lang naman.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.
Subscribe to:
Posts (Atom)