Saturday, April 1, 2017

PXP - PXP Energy Corporation as of April 2, 2017

Monthly Chart. Wala masyado fireworks maliban nung 2012 - 2013 na kung saan umabot hanggang 40+ pesos sya.

Weekly Chart. Nasa ilalim ng ulap pero pataas ang turo ng RSI nya. Tapos may press release sila last week kaya posible kaya na umakyat ito? http://edge.pse.com.ph/openDiscViewer.do?edge_no=315ab8b982e5cb7b3318251c9257320d#sthash.cwS14Kc8.dpbs


Daily Chart. Mula nung nagbounce sya nung March 24, 2017, 3 linya na binasag nya kaya lang bumalik sya sa ilalim ulit ng Senkou Span A kaya ayun, nasa teritoryo ulit sya ng mga oso. Kinapos. hehehe... Makabawi kaya sya ulit this week?

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

TUGS - Harbor Star Shipping Services, Inc. as of April 2, 2017

Monthly Chart. Naging bullish mula nung 2016. Pero pag tingin sa RSI, overbought na. Iyong present candle nya, tingin ko sign of reversal. (tingin ko lang naman po. hehehe...)

Weekly Chart. Nag-reverse na sya from its high. Check the RSI (pointing downward), MACD (nag-cross na), Ichimoku (nabasag na nya ang asul na linya, sa pula eh malapit na rin). Ngunit, subalit, datapwat, ganun pa man eh nasa bullish territory pa rin sya dahil nasa taas pa sya ng ulap.

Daily Chart. Ayan na! Nasa loob ng ulap, hindi na alam kung diretso na pababa o aakyat ulit sya. Basag na nya iyong 3 linya, Senkou Span B na lang hindi pa. Pag yan nabasag din nya, pasok na sya sa teritoryo ng oso. Pero kung titingnan ang presyo mula nung Feb. 2017 hanggang sa kasalukuyan, downtrend na sya sa tingin ko dahil nagregister na sya ng lower high at lower low.... Tingin ko lang naman po uli. hehehe...

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

PNX - Phoenix Petroleum Philippines, Inc. as of April 2, 2017

Monthly Chart. Wow! Bullish ah. Halos nakalabas na sya ng ulap. Parang gumagawa ng cup (kawa yan. hehehe...) na nagsimula pa ng 2013. Teka silipin ko sa weekly.

Weekly Chart. Bullish pa rin! Nasa taas din ng ulap. Higher highs, higher lows.... Pero, check out RSI, overbought na. Teka, tingnan ko sa daily chart.

Daily Chart. Bullish din! Above the cloud pa rin. May higher high at higher low pa rin. Pero gaya ng sa weekly chart, masyado na mataas ang RSI. Need muna magpalamig nito...

Pwede siguro ako mag-abang sa tingin ko sa 7.60sh - 8.00 level kung sasakyan ko bullish trend nito.


Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

JFC - Jollibee Foods Corporation as of April 1, 2017

Monthly Chart. Bullish pa rin kahit bumaba presyo. Nasa itaas pa rin ng ulap. Gusto ko bumili ng kahit isang blue chip stock, JFC...

Weekly Chart. Nasa teritoryo ng oso pero kita naman ang bounce. Pati RSI pataas ang turo.

Daily Chart... Waaahhh! Gusto ko bumili ng jabee!!! Sayang, ala pambili nung nag oversold sya. Ok pa RSI. Basag ang asul at pulang linya. Pati MACD maganda.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.


CAL - Calata Corporation as of April 1, 2017

Monthly Chart. Walang aksyon maliban nung listing date... Sige lang, mag-iipon lang ako sa iyo. Papa Josh paabutin mo ulit sa all time high. Maglabas ka naman ng matinding disclosure dyan!


Weekly Chart. Bearish. Lagi na lang lower lows. RSI malapit na oversold. Tingin ko magkakaroon ng bounce play na ito, (lapit konti presyo sa pulang linya)

Daily Chart. Bearish din. Ang layo ng presyo sa ilalim ng ulap. Pero oversold na rin sa RSI nya. Bounce play naman dyan! 

Bakit ba kasi pababa ng pababa ito? Lugi ba kumpanya? Dahil sa may pilit na nagpapababa ng presyo ba. Dahil ba sa disclosure na ito, http://edge.pse.com.ph/openDiscViewer.do?edge_no=1f89ec04a4920cd13318251c9257320d#sthash.b7AixKyv.dpbs ?

Kailan ka ba mag Super Saiyan? 2017 na, magpakitang gilas ka naman CAL!

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.


MRC - MRC Allied, Inc. as of April 1, 2017


Monthly Chart. nasa loob ng ulap. Mula 2011, bumubuo ng napakalaking cup (kawa na yata ito. hehehe). Kapag binuo nya ang kawa, sagot ko ang inuman pati pulutan!



Weekly Chart. nasa taas pa ng ulap. Bullish pa. gumawa ng maliit na cup, may handle kaya?...

                                      

Daily Chart. Nasa taas din ng ulap. Bullish pa rin kaya lang basag asul na linya, wag sana isunod ung pulang linya... Simula nung March 21 hanggang March 31 hindi alam kung saang direksyon ang punta, pababa o pataas kaya.
RSI nag-correct na matapos mapunta sa overbought.
MACD malapit na mag-cross over. wag sana matuloy.

Paalala: hindi po ako propesyonal o eksperto at hindi po ito pag-anyaya na bumili kayo ng mga stocks na nasa blog- blogan ko. Ako po ay nag-sasariling sikap matuto sa pagbasa ng stock charts.

Tuesday, March 11, 2014

My Stock Trading for this Week (Mar. 10 - Mar. 14, 2014)

I started the week by selling small boardlot of GERI and BHI. I took some profit just to be sure. Though I'm still waiting for these stocks to go up some more, it is nice to take profit once in a while so that I have extra cash for buying other stocks.
I know that those mentioned stocks were penny stocks or "basura" stocks as sometimes called by traders that's why I only buy small shares. It is just for my play ;) . It is still better to buy blue chip stocks like companies of the Ayala Family, Sy Family, Aboitiz Family, and other well known companies.
Try opening your online trading account and feel the excitement! There are lots of online brokers nowadays in the Philippines. I'm using FirstMetroSec. You could get lots of information from the website of Philippine Stock Exchange (www.pse.com.ph) if you are interested about stocks. Also, there are lots of groups in the facebook that tackles stock investing / stock trading.
I wish to add more on my PX but I have no more cash for buying. Maybe next month after salary.
Go PX!!!

TAGAL NA RIN PALA NANG MGA LAST STOCK TRADES KO... MORE THAN 2 YEARS NA RIN PALA... ARAL NA ULIT NGA CHARTING... ICHIMOKU CLOUD NAMAN - April 01, 2017